Art Facts Chat! and other updates Home! Stec, Official Website Home News Litterature Artwork Art
navigate using the links above^

"India"

Lupaing tatsulok
Sa timog nakatampok
Nahati man minsan
Buo parin ang paninindigan.

Dumating man ang tagsalat
Sa malawak nitong balat
Iyan parin nakatayo
Malakas parin kahit may bagyo.

Sa pag aalitan
Pakistan ang lumaban
Nagkagulo at nagbarilan
Bangladesh bumuwag sa bayan.

Kahit anong unos ang darating
Ang India ay palaging magiting
Sa kalayauan ng tangway
Sana wala nang away.

No comments:

Post a Comment